ang buhay ng tula…
poem December 26th, 2008it’s 2:42 am.i don’t know what wakes me up and you know how it is when one wakes up at such hour…..you find it hard to get back to a blissful slumber.now, shall i make myself a cup of coffee? nah!my problem is getting backto sleep not staying awake.shall i watch telly?nah! i don’t feel like watching.shall i blog?why not? …….and here, my friends, is where i need your help.
ngayon lamang ako gagawa ng isang buong tula sa ating sariling wika.pagpasensyahan na ninyo ang simuno, panaguri at kung ano pa ang mali.tama ba ang chronological arrangement?tama ba ang pag-gamit ko ng salita?di ko ito ini-edit dahil hinihintay ko ang inyong mga kuro-kuro.
paano ka lilikha ng isang tula kaya
ganong ang isip ay salat sa pang-unawa
paano mamumutawi sa iyo ang salita
gayong ang puso ay kapos sa pagpapala
ang paglikha ng tula ay maihahambing
sa isang latigo sa hagupit sa damdamin
o haplos pagmamahal sa isipan naninimdim
bawat yugto’y tumatarak sa puso’t diwa natin
aking natutunan paghabi ng tula
gaya ng pagsinta, walang kasing dakila
humuhuni ang letra,tumitibok ang salita
kung ito’y nagmula sa puso ng may katha
pagdaan ng panahon aking napagmanman
ang isang obra upang maramdaman
mabigyan ng buhay at maintindihan
ito’y dumanas ng tunay na karanasan
by eng

December 27th, 2008 at 1:47 am
Ayan, at napasulat din! hindi na ito kailangang i-edit dahil maganda naman ang plastada ng istruktora at ito ang natural na bugso ng iyong damdamin.
Masdan ang ating mga dilag ngayon. Lahat sila magaganda ngunit ilan sa kanila ang dumaan sa pisikal na pag-i-edit?
Mas mainam ang natural, di ba?
December 27th, 2008 at 5:11 am
me ginamit kang word sa isang comment mo po sa post ko…”resbakan”…natuwa ako dun…kase lumabas pagkasiga mo…naisip ko…aba tingnan mo nga…ang “pino” na babaeng ito e mataray den pala…at di lang basta mataray…palaban pa…kase nga yung salitang ginamit mo e may konotasyon ng “riot”…kongkreto/kolokyal…parang ramble sa tondo…at palagay ko duon nagiging makapangyarihan ang salita…kapag hinahambalos nya agad sa imahinasyon ng babasa ang larawan na tinutumbok nya…at mayroon kang command sa ganung mga salita…hindi yun naaral ata po…likas na bumabalong iyon sa puso ng mahusay na makata…sabi mo nga po…ang tula ay “…hagupit sa damdamin…o haplos pagmamahal sa damdaming naninimdim…”…malinaw! mahusay!…kaya Ms eng, kung ang pagsulat ng tula ay parang panganganak…wish ko lang…wag ka sanang magpa-family planning(nyah!)…tuloy lang po!
December 27th, 2008 at 6:59 am
Haaaayyyy labis akong nagagalak at tumula ka kaibigan gamit ang salita ng lupa nating sinilangan….bagamat ang banyagang salita ay may tunog na kahali-halina….iba pa rin talaga ang haplos ng sariling tahanan….ang iyong mga salita ay kumakanta…naririnig ko ang huni nila at nararamdaman ko ang pulso ng dugong dumadaloy sa bawat letra…at tunay ang iyong naturan…na karanasan nga ang higit na kailangan upang ang obra ay magkaroon ng kabuluhan….ang puso mo ay busilak at walang panlilinlang kaya’t isa kang makata….marilag na makata ng ating bansa……
December 28th, 2008 at 5:40 pm
Eng… orihinal at di dapat baguhin, tulad ng mga nagpipinta na gumuguhit base sa kanilang imahinasyon at nakakalikha ng isang obra maestra.
December 30th, 2008 at 8:23 pm
Eng, pasensya na, kasi Ilonggo ako at medyo may hirap akong magtagalog, pero damang dama ko ang iyong damdamin sa mga salitang isinulat mo.
January 2nd, 2009 at 8:36 pm
eng, pasensya rin, at hindi ako masyadong magaling mag-tagalog:( pero saludo ako sa yo dahil nakasulat ka ng tula sa wika natin. hindi ko kaya yan, kaya bilib ako sa yo. yan lang ang masasabi ko so ngayon kasi nauubusan na ako ng tagalog, hahahaahah:) manigong bagong taon sa yo, kaibigan!
January 3rd, 2009 at 7:46 pm
Eng, mahusay, makabuluhan, makatotohanan! Wala nang hihigit pa sa tula na nagmula sa silakbo ng nagaalab na damdamin. ‘Di eto nanlalamig at nangagapa ng salita. May dumadaloy na diwa na lumalagaslas at handang makisalamuha sa damdaming pikit o di kaya ay nanlalamig.
Tunay kang makata kaibigan! Kung ito ay gaya ng sabi mo, ang una, nawa’y ito na rin ang simula ng marami pang susunod na makabuluhang tula na malalathala -gaya nito!
Saludo ako sayo Kaibigan!
June 8th, 2009 at 6:34 am
pwde ko ba malaman saan ang banyagang salita d2??